Saturday, 25 August 2012

Kadayawan 2012


I. Pagbabalangkas

Ang Kadayawan Festival ay isang pagdiriwang sa Davao na nagdidiriwang sa magandang pag-aani ng mga tao roon. Nangyayari ito sa Ikatlong linggo ng Agosto. Sa Kadayawan Festival, maraming nangyayari roon. Nagkakanta, Sumasayaw, mayroong kayak racing, pagtutugman, at marami pang iba.


Napakaraming tao ang dumalo at nakisaya sa mga paligsahan na naganap noong kadayawan. Tulad na lang ng Indak- indak sa kadalanan na kung saan maraming taga ibang region pa ang nakisali. Marami ding nakatuklas sa pagandahan ng floral float na naganap noong nakaraang linggo. Di rin nagpapahuli ang tagisan ng talino at ganda ng mga dalagang dabawenyo sa Hiyas ng kadayawan na naganap sa Gaisano Mall of Davao. Dinagsa din ng mga tao ang mga party-party at inuman na nangyari sa Bajada, Claveria, Torres at MTS. Talaga namang nag-eenjoy ang mga tao dahil kahit alas 12 na ng umaga ay patuloy parin ang pagdagsa ng mga tao sa downtown.


Marami pang events na nagbigay kasiyahan sa mga dabawenyo, turista at mga taga ibang lungsod. Tulad na lang nang pagsiuwian ng kanilang mahal sa buhay. Masaya ang bawat pamilyang dabawenyo sa pagdating ng kani-kanilang mga kapamilya na umuwi talaga ng Davao para makisaya sa piyesta. Marami ding Sale sa Malls na talagang dinagsa ng mga tao upang mamili ng mga murang gamit na gustong bilihin. At para sa akin, ang pinaka kinatuwaan ko noong kadayawan ay ang pagkain ng Durian sa San Pedro. Napakasarap ng durian sa panahong ito dahil season nito. Masarap na mura pa!. 

Ikalawang Kadayawan na ito na napuntahan ko simula noong umuwi ako dito sa Pilipinas galing ibang bansa sa loob ng tatlong taon. Talagang masasabi kong marami na ang nag-iba, tulad na lang ng pag-iba ng mga benta na prutas. Noon ay napakaraming benta na prutas at napakamura, samantala ngayon ay kakaunti na lamang. Ngunit gayunpaman ay masaya parin dahil hindi talaga nakaligtaan nang ating mahal na mayor ang pagkakaloob ng napakaraming kasiyahan at patimpalak sa kanyang mahal na mamamayan ng Davao. 




Ang mga larawang ito ay kinuha ng aking ina na si Genesa Apolinares.  Makikita sa unang larawan na napakaganda at napakamakulay ang pagdiriwang ng Kadayawan dito sa Davao. Sa ikalawang larawan naman ay makikita nating napakaraming tao ang nakisaya sa selebrasyon.